quarter (kwár•ter) 1: panahon na katumbas ng tatlong buwan; sangkapat na bahagi ng isang taon 2: sangkapat na bahagi ng isang oras; labinlimang minuto bago o matapos ang anumang oras 3: isa sa apat na magkasintagal na yugto ng laro 4: posisyon ng buwan sa pagitan ng bagong buwan at kabilugan 5: isa sa apat na bahagi ng isang taóng akademiko 6: kuwartel 7: alinman sa mga direksiyon ng kómpas
quarter horse (kwár•ter hors) : isa sa mga uri ng kabayong inaalagaan sa Estados Unidos para sa malapitang karera
quarter binding (kwár•ter báynd•ing) : estilo sa pagtahi ng aklat na katad ang ginagawâng spine at papel o tela ang gilid
first quarter (ferst ku•wár•ter) 1: panahong humigit-kumulang ng isang linggo pagkatapos ng bagong buwan na kalahatian ng buwan ang anyo 2: únang yugtô ng isang oras na hinatì sa apat